Scroll Indicator

Tungkol sa Proyekto

Tungkol sa Proyekto Tungkol sa Proyekto Tungkol sa Proyekto Tungkol sa Proyekto

Ano ang Rescueskwela?

   Ang Rescueskwela ay isang internet-based Distance Learning System (DLS) tungkol sa emergency response tuwing may bagyo. Ang DLS ay isang uri ng pagtuturo kung ang pagkatuto ay naisasagawa kahit ang nagtuturo o teacher at natututo o learner ay hindi magkasama sa isang lugar. Ito ay gumamit ng iba’t ibang teknolohiya tulad ng video, print, at online module upang maisagawa ang pagkatuto.

   Sa pagtutulungan ng DEVC 145 B-4L class mula sa Kolehiyo ng Komunikasyong Pangkaunlaran, Unibersidad ng Pilipinas Los Baños (UPLB) at Barangay Malinta. Layunin ng DLS na maturuan ang mga Barangay Tanod at Gobilians ng Barangay Malinta patungkol sa emergency response tuwing may bagyo.

   Welcome sa ating online module kung saan mag-aaral tayo tungkol sa Water Search and Rescue at First Aid sa panahon ng bagyo. Ang mga sumusunod ang mga aralin sa bawat module:

  • Aralin 1 - Introduksyon sa Bagyo at Water Search and Rescue;
  • Aralin 2 - Primary Assessment;
  • Aralin 3 - Secondary Assessment; at
  • Aralin 4 - Treatment.
  •    Bago simulan na aralin ang module na ito, narito muna ang ilang mga paalala:

    1. Basahin nang maigi ang panuto.
    2. Panoorin nang mabuti ang mga aralin.
    3. Magpahayag ng iyong saloobin tungkol sa ating aralin.
    4. Sa dulo ng bawat aralin, may maikling pagsusulit upang masukat ang inyong kaalaman sa ating aralin.
    5. Kung may katanungan, maaaring i-comment sa post ng aralin o magpadala ng mensahe sa rescueskwela@gmail.com.

    Mga Output Pagkatapos ng DLS

       Ang bawat aralin ay may kanya-kanyang output. Para sa unang aralin, magkakaroon tayo ng quiz. Ito ay indibidwal na gawain. Ang output sa araling ito ay ang ating mga sagot sa quiz.

       Para sa unang aralin, kailangan nating malaman ang tungkol sa Water Search and Rescue. Nakapaloob sa aralin na ito ang ukol sa iba’t ibang signal ng bagyo, search and rescue sa lupa at sa tubig, iba’t ibang klase ng pagbubuhol ng lubid, at paglipat ng pasyente.

       Pag-aaralan naman natin sa ikalawang aralin ang tungkol sa iba’t ibang batas na kaakibat ng pagresponde, gayundin, ang Star of Life. Sa aralin na ito, kailangan rin nating malaman ang tungkol sa Individual First Aid Kit o IFAK, Body Substance Isolation o BSI, at Personal Protective Equipment o PPE.Ating rin dapat matutunan sa araling ito ang ukol sa iba’t ibang bahagi ng paggagamot.

       Para naman sa ikatlong aralin, kailangan nating matutunan ang iba’t ibang uri ng paggagamot. Sa pamamagitan ng araling ito, dapat na malaman natin ang mga paraan ng pagtukoy ng sintomas ng posibleng sakit ng pasyente.

       Para sa huling aralin naman, pag-aaralan natin ang tungkol sa paggagamot ng mga kadalasang sakit o sugat ng mga taong biktima sa paghagupit ng bagyo.

    Mga Alituntunin sa Bawat Media

    A. Video Series

       Para sa video series, ang bawat video ay may sariling file na maaaring nasa CD o kaya sa flash drive na pwedeng panuorin sa computer, laptop, o cellphone. Ang mga video ay pwedeng panuorin habang nasa isang grupo o pwede rin namang mag-isa. Sa paggamit ng video series, maaari itong i-pause o bumalik kung ito ay masyadong mabilis o hindi naging malinaw para sa mga mag-aaral.

    B. Print Module

       Ang bawat video na inyong napanood sa DSL na ibinahagi sa inyo ay may katumbas na print module. Dito makikita ang mga aralin, tips, at pagsusulit na ginawa at pinag-usapan din noong inyong pinanood ang mga videos. Ang print modules ay maaaring gamiting gabay kung may mga hindi naintindihan o hindi narinig nang maayos mula sa mga videos. Ito rin ay isang instrumento na maaaring gamitin sa diskusyon ng inyong grupo o indibidwal na pag-aaral kahiwalay o habang pinapanood ang mga katumbas na videos.

    C. Online Module

       Ang online module naman na matatagpuan sa https://rescueskwela.github.io/ ay naglalaman rin ng kopya ng video series. Maari itong ulitin o i-review sakaling may mga nais balikan ang mga natututo. Mayroon ding comment box sa naturang website kung saan maaring mag-iwan ng komento, mungkahi, at mga katanungan.

       Pagkatapos ng pagsasanay na ito, inaasahan na maisasagawa ng mga mag-aaral ang lahat ng naturang outputs na itinakda sa bawat aralin. Inaasahan rin na madadagdagan ang kaalaman ng mga rumeresponde sa sakuna upang mas maging epektibo at ligtas ang paraan ng pagsagip ng buhay.

       Handa ka na ba kayo? Simulan na natin ang pagsasanay!