Tungkol sa mga Online Module
Tapos na tayo sa lahat ng ating mga dapat talakayin. Bago tayo dumako sa susunod na bahagi ng ating aralin, balikan muna natin ang lahat ng ating natalakay.
Ang online module naman ay naglalaman rin ng kopya ng video series. Maari itong ulitin o i-review sakaling may mga nais balikan ang mga natututo. Mayroon ding comment box sa naturang website kung saan maaring mag-iwan ng komento, mungkahi, at mga katanungan.
Pagkatapos ng pagsasanay na ito, inaasahan na maisasagawa ng mga mag-aaral ang lahat ng naturang outputs na itinakda sa bawat aralin. Inaasahan rin na madadagdagan ang kaalaman ng mga rumeresponde sa sakuna upang mas maging epektibo at ligtas ang paraan ng pagsagip ng buhay.
Handa ka na ba kayo? Simulan na natin ang pagsasanay!