Ano ang WASAR?
Ang search and rescue ay ang paghahanap at pagbibigay ng tulong sa mga taong nangangailangan tuwing panahon ng sakuna. Kapag ang search and rescue team ay pumupunta sa lokasyon, karaniwang sila ay nakatalaga sa isang lugar ng paghahanap at inaasahang gumamit ng mga pamamaraan ng search and rescue na angkop gamitin sa lokasyon.
Kapag naka-deploy ang team tuwing may bagyo, ang ginagamit na uri ng search and rescue ay ang Water Search and Rescue o WASAR.
Buod
Tapos na tayo sa lahat ng ating mga dapat talakayin. Bago tayo dumako sa susunod na bahagi ng ating aralin, balikan muna natin ang lahat ng ating natalakay.
Alam naman natin na halos dalawampu ang humahagupit na bagyo sa Pilipinas. Dahil d’yan, nagsimula tayong tukuyin ang iba’t ibang signal ng bagyo.
Pinag-aralan rin natin ang iba’t ibang uri ng knots. Ito ay ang mga sumusunod:
Kung matatandaan mo, inilista rin natin ang iba’t ibang uri ng paglilipat ng pasyente. Ito ay ang mga sumusunod:
Pagtatasa
Ayan! Pwede ka na munang magpahinga dahil tapos na tayo sa Aralin 1. Huwag kalimutang mayroon pang mga susunod na mga araling naghihintay para sa’yo.
Simula Aralin 2 ay tatalakayin na natin ang tungkol sa First Aid. Tatalakayin natin ang iba’t ibang paraan ng paggamot at mga bagay na matatagpuan sa Individual First Aid Kit at marami pang iba. Ang mga detalye tungkol sa gawaing ito ay tatalakayin pang muli sa mga susunod na aralin.
Sana ay marami kang natutunan mula sa araling ito.. Maraming salamat! Hanggang sa susunod na aralin!
Sanggunian:
Paalala, wag kalimutang pindutin ang submit bago pumunta sa susunod na module.