Scroll Indicator

First Aid: Primary Assessment



Buod

Tapos na tayo sa lahat ng ating mga dapat talakayin. Bago tayo dumako sa susunod na bahagi ng ating aralin, balikan muna natin ang lahat ng ating natalakay.

Ang “Star of Life” ay nagmula sa Medical Identification Symbol ng American Medical Association. Ang anim na punto ay kumakatawan sa anim na tungkulin ng mga rumeresponde sa panahon ng sakuna.

Ito ang anim na bahagi ng Star of Life:

  1. 1. Detection
  2. Reporting
  3. Response
  4. On-scene Care
  5. Care in Transit
  6. Transfer to definitive care

Ang individual first aid kit (IFAK) naman ay mahalagang bahagi ng mga kagamitan ng rumeresponde. Ito ay ginagamit sa paggagamot ng mga sugat o pinsala sa katawan ng pasyente.Tandaan na kung may sariling first aid kit ang rumeresponde, ito ay dapat hiwalay sa first aid kit para sa WASAR, upang maiwasan ang aksidenteng paghahalo ng gamot, bandages, at iba pa.

Ito ang mga dapat lamanin ng isang IFAK:

  • Bandaging
  • Liquids/gel packs
  • Tools
  • Medicines/consumables
  • Samantala, bago sumaklolo ang isang rumeresponde, siguraduhin na mayroon siyang personal protective equipment (PPE) at body substance isolation (BSI) upang maiwasan ang pagpasa ng mga sakit. Bukod pa dito, siguraduhin rin na maayos at ligtas ang lugar na rerespondehan (scene safety).

    Sa pagresponde sa pasyente, kailangang suriin ang kaniyang circulation, airway, and breathing (CAB). Ito ay ang pagtingin sa paghinga, pagtaas ng dibdib, at pulso o pulse rate ng pasyente. Sa CAB rin nakapalaoob ang pagsasagawa ng cardiopulmonary resuscitation o CPR.

    Sa pagtingin kung may spinal injury ang pasyente, ang pinakamadaling paraan ay ang pagsuri ng tenga ng pasyente kung may malinaw na puting likido o di kaya ay dugo.

    Ang mechanism of injury naman ay kung paano nakuha ng pasyente ang kaniyang mga galos at sugat sa pamamagitan ng pagtatanong.

    Ang patient assessment chart ay gabay ng rescuer upang maayos na maisagawa ang mga hakbang kung paano i-assess at bigyan ng paunang lunas ang pasyente.

    Ang nature of injury ay binubuo ng mga tanong na ginagamit upang matukoy ang uri o klase ng injury na tinamo ng pasyente.

    Ang mga sumusunod ay ang limang bahagi ng nature of injury:

  • Onset
  • Provocation
  • Quality
  • Severity
  • Time
  • Itinatala sa patient care card ang mga impormasyon ng pasyente tulad ng pangalan, tirahan, at contact number. Ito ay ibibigay sa doktor o nurse na tumanggap ng pasyente.

    Pagtatasa

    Ayan! Pwede ka na munang magpahinga dahil tapos na tayo sa Aralin 2. Huwag kalimutang mayroon pang mga susunod na mga araling naghihintay para sa’yo.

    Simula Aralin 3 ay tatalakayin na natin ang tungkol sa secondary assessment kasama na rito ang OPQRST at SAMPLE na kadalasang ginagamit sa paggamot ng mga injury o sugat.

    Sana ay marami kang natutunan mula sa araling ito. Maraming salamat! Hanggang sa susunod na aralin!

    Sanggunian:

    Villapol, J.M.E. (2018). The Lay Rescuer’s Quick Reference Field Manual.

    Paalala, wag kalimutang pindutin ang submit bago pumunta sa susunod na module.

    Pagkatapos ng DLS na ito, ang mga mag-aaral ay dapat na:
  • Matukoy ang mga bagay na dapat itanong sa pasyenteng tinutugunan;
  • Matutunan ang mga hakbang sa pagsusuri ng vitals ng pasyente;
  • Mailista ang mga paraan upang masuri kung may malay ba ang pasyente o wala;
  • Maisagawa ang BSI/PPE;
  • Maipakita ang tamang paraan ng pagsusuri ng CAB, at;
  • Maipakita ang tamang paraan ng pagsusuri ng C-Spine.
  • Mga Nilalaman
  • Star of Life
  • Individual First Aid Kit (IFAK)
  • Personal Protective Equipment (PPE) at Body Substance Isolation (BSI)
  • Circulation, Airway, and Breathing (CAB)
  • C-Spine
  • Mechanism of Injury
  • Patient Assessment Chart
  • Nature of Injury (OPQRST)