Tapos na tayo sa lahat ng ating mga dapat talakayin. Bago tayo dumako sa susunod na bahagi ng ating aralin, balikan muna natin ang lahat ng ating natalakay.
Ang pangunahing layunin ng secondary assessment o muling pagsusuri sa pasyente ay ang pagbabantay sa kondisyon ng pasyente at pagtingin kung may mga hindi kritikal na kalagayan bang kailangang tugunan at lapatan ng paunang lunas.
Ang OPQRST o Limang Bahagi ng ‘Nature of Injury’ ay dapat gamitin ng rumeresponde sa pagsusuri ng kalagayan ng pasyente.
Onset - tatanungin ng rescuer kung ano ang ginagawa at nasaan ang pasyente nang matamo niya ang kanyang injury
Provocation - titingnan ng rescuer kung ano ba ang dahilan ng injury o sakit na nararamdaman ng pasyente
Quality - dito inaalam kung gaano kalala ang injury na natamo ng pasyente
Radiation - dito aalamin ng rescuer kung may pagkalat ng sakit mula sa pinanggagalingan nito
Severity - ipaparate ng rescuer sa pasyente kung gaano kalala ang sakit na nararamdaman nito
Time - aalamin ng rescuer kung gaano katagal na mula nang matamo ng pasyente ang injury
Bago magpatuloy sa pagsusuri, mahalagang malaman ang medical history ng pasyente. Ito ay malalaman sa pamamagitan ng SAMPLE:
Signs/symptoms - tingnan kung may mga indikasyon ng pinsala sa katawan
Allergies - pagkain, inumin, gamot na na nagdudulot ng allergic reaction
Medication - gamot na iniinom ng pasyente na maaaring makaapekto sa pagbibigay ng lunas
Past medical history - ito ang mga dating sakit ng pasyente na maaaring makaapekto sa kasalukuyan niyang kondisyon
Last oral intake - huling kinain o ininom ng pasyente na maaaring maging dahilan ng sakit
Events Leading - pangyayari na posibleng dahilan ng sakit ng pasyente
Ang Trauma Assessment naman, sa pamamagitan ng DOBTS, ay ginagawa upang malaman kung ano ang injury at ang angkop na solusyon para dito.
Deformities - Ang tamang treatment para sa mga ganitong sitwasyon ay i-isolate ang parte na may fracture o dislocation
Sprain at fracture
Immobilization
Spinal injuries
Open wounds - pagdurugo ng sugat at lahat ng uri ng pagkawala ng dugo sa katawan
External bleeding
Internal bleeding
Brain bleeding
Burns - buhat ng exposure ng balat sa init o pagkasunog
First-degree burn
Second-degree burn
Third-degree burn
Electrical burns
Tenderness - tumutukoy sa kung gaano ka-sensitibo o kalambot ang partikular na parte ng katawan
Swelling - mga pasa at pamamaga
Ang cardio-pulmonary resuscitation (CPR) na nakapaloob sa Basic Life Support ay ginagawa upang maibalik sa buhay ang pasyenteng nawalan ng hininga at pulso. Mayroon itong tatlong parte:
Chest compression;
Rescue breathing; at
Patient reassessment.
Ang dalawang uri naman ng CPR ay ang hands-only CPR at high-quality CPR.
Pagtatasa
Ayan! Pwede ka na munang magpahinga dahil tapos na tayo sa Aralin 3. Huwag kalimutang mayroon pang mga susunod na mga araling naghihintay para sa’yo.
Simula Aralin 3 ay tatalakayin na natin ang tungkol sa secondary assessment kasama na rito ang OPQRST at SAMPLE na kadalasang ginagamit sa paggamot ng mga injury o sugat.
Sana ay marami kang natutunan mula sa araling ito. Maraming salamat! Hanggang sa susunod na aralin!
Sanggunian:
Paalala, wag kalimutang pindutin ang submit bago pumunta sa susunod na module.