Scroll Indicator

Treatment



Buod

Tapos na tayo sa lahat ng ating mga dapat talakayin. Bago tayo dumako sa susunod na bahagi ng ating aralin, balikan muna natin ang lahat ng ating natalakay.

Bandaging - paraan ng paggamit ng piraso ng materyal na kadalasang gawa sa cotton-based cloth o gasa na ginagamit sa mga injury.

Splinting - ginagamitan ng kahit anong kagamitan gaya ng piraso ng kahoy, cardboard, o tela na kayang limitahan ang paggalaw ng bahagi ng katawan na mayroong injury.

Wound Packing - tumutulong upang mapabilis ang paggaling ng malalim na sugat.

Mga injury at angkop na treatment:

  1. Concussion - ito ay isang injury na dulot ng pagkabagok ng ulo. Para masuri kung ang pasyente ay may concussion, gamitin ang AVPU formula (alert, verbal stimuli, painful stimuli, unresponsive.)
  2. Abrasion - ito ay ang pagkasira ng epidermis na siyang labas o outer layer ng balat. Kalimitan, ito ay maaaring gamutin sa bahay sa pamamagitan ng paglilinis nito at pagtatakip dito ng non-stick dressing o balot.
  3. Fracture - ito ay ang pagkabali ng buto sa katawan. Ang tatlong uri ng fracture ay ang closed fracture, open fracture, at complicated fracture.
  4. Puncture - ito ay maliit na butas na sanhi ng pagkatusok sa matulis na bagay kagaya ng pako.
  5. Burns
  6.   May tatlong kategorya ng burns, ito ay ang First-degree burn, Second-degree burn, at Third-degree burn. Agad na dalhin sa ospital kung ang pasyente ay nagtamo ng third degree burn, o second-degree burn sa paa, mukha, tainga, o joints.

    • Tenderness - ito ay nararamdaman kapag ang isang parte ng katawan ay nakakaranas ng sakit kung hinahawakan o dinidiinan.
    • Laceration - ito ay ang pagkasugat ng balat na siyang dulot ng pwersa mula sa isang bagay.
    • Swelling - ito ay ang pamamaga ng parte ng katawan na kalimitang dahil sa inflammation at pamumuo ng tubig sa apektadong bahagi.

Pagkatapos magbigay ng treatment sa injury, kailangang isagawa ang patient reassessment upang masuri kung sapat ang paraan ng paggamot na ibinigay sa pasyente. Ang mga sumusunod ay kailangang gawin sa patient reassessment:

  • Suriin at subaybayan ang circulation, airway, at breathing;
  • Suriin at itala ang vital signs;
  • Magsagawa ng secondary assessment; at
  • Suriin kung sapat o angkop ang ginawang paraan ng treatment sa injury.
  • Patient endorsement to hospital

    Itinatala sa patient care card ang mga impormasyon tungkol sa pasyente tulad ng pangalan, tirahan, at contact number. Kasama rin dito ang mode of transportation (kung meron), saan dinala, saan siya unang natagpuan, anu-ano ang mga katangian ng lugar kung saan siya unang natagpuan, at iba pang impormasyon na maaaring makatulong sa doktor.

    Pagtatasa

    Ayan! Pwede ka na munang magpahinga dahil tapos na tayo sa Aralin 4!

    Sana ay marami kang natutunan mula sa araling ito. Maraming salamat! Hanggang sa susunod na aralin!

    Sanggunian:

    Villapol, J.M.E. (2018). The Lay Rescuer’s Quick Reference Field Manual.

    Pagkatapos ng DLS na ito ang mga mag-aaral ay dapat na:
  • Maipaliwanag and bandaging, splinting, at wound packing;
  • Maipaliwanag ang tamang proseso ng paggawa ng arm sling;
  • Makapglista ng lima (5) o higit pang patakaran sa paggamit ng splint;
  • Maipaliwanag ang proseso ng wound packing;
  • Matukoy ang angkop na treatment para sa isang partikular na injury;
  • Maipaliwanag ang mga angkop na treatment para sa mga partikular na injury;
  • Maipaliwanag ang patient reassessment, at;
  • Maipaliwanag ang proseso ng patient endorsement to hospital.
  • Mga Nilalaman
  • Bandaging
  • Splinting
  • Wound Packing
  • Mga Injury at angkop na treatment
    • Concussion
    • Abrasion
    • Fracture
    • Puncture
    • Burns
  • Patient endorsement to hospital